
Laurence, Me, Donna, Kathlene, Kristhia, Kaye, Frenilla and Roen





They are the sweetest and the wildest person i ever know! ☺


1st Runner up for Best Script
Isa na ‘to sa napakalaking achievement na natanggap ko sa buhay ko, at dahil sa award na ‘to nagkaron ako ng confidence sa sarili ko, na kaya kong sumulat ng may laman, na galing sa puso, hindi lang basta may maisip at may maisulat.. At sobrang nagpapasalamat ako kay Lord dahil binigyan nya ko ng strength na makaya lahat at makabuo ng magandang storya.. Lahat ng pagod, hirap at gastos namin sa pag gawa ng documentary nasuklian ng awards at masasabi naman talaga namin na “It’s all worth it” .

w/ Pauline Perez
Haha! Nabigla talaga ko nito nung tinawag yung name ko for “Best Dress”, Vintage Hollywood daw kasi dapat ang attire, nag fish net na nga ako para di masyadong makita yung malaki at mataba ko na legs, pero UGH! Grabe talaga wala na kong magawa. Pero thankful ako kasi napili ako and I really appreciate that. Haha! Masyadong malaki para itago, pasensya na guys kung masakit sa mata. LOL ☺

JP Jones, Me, Pauline Perez, Student from CEU Malolos
After ng awarding na ‘to para kong nabunutan ng malaking tinik. Mahirap gumawa ng docu, mahirap mag-isip ng topic kasi hindi naman kaylangan ng basta-basta and mahirap i-please yung mga directors na nag judge samin. And I was flattered when they said na ang Documentary entries daw ang may pinaka mahigpit na competition.. Napaka gandang experience din samin ‘to dahil marami kaming natutunan at nadiscover. ☺

Ito yung mga panahong sobrang haggard ako dahil sa school works.. Napaka laki ng eyebags ko jan grabe at tinubuan na ko ng pimple -_- kakaiba talaga ang college life! Nakakapangit ng aura! LOL
Panigurado ngayong 4th year na ko, mas malala pa yung magiging itsura ko kaysa jan! Waaaa~ grabehan :| Matinding puyatan, pressure at problema na naman sa darating na pasukan! Goodluck! -_-
PS: Di ko talaga nag ddrugs! Grabe kayo. Hihi.
3rd year first sem. (MC 105) Radio Production
Haha! Nakakatawa ‘to kasi first time naming nagreport on-air sa radio booth, lahat kami nun kabado, ako di ko alam kung paano ko babasahin yung headlines na dapat may tono, graveh! Wala akong future sa AM radio. Prof. namin dito si Mr. Ricky Rosales from DZMM. Marami naman ako natutunan sa kanya, magaling siya magturo kaso hindi gaano maganda magbigay ng grade, nakakaloka may favoritism ata eh. *Charaught! Haha.
(c) karaniwangbinatilyo
I chose ARTS, talagang dinala ko ng kapalaran ko sa larangan ng sining siguro dahil ma-ARTi ako? Chos. Hahaha, maARTi ako in a way na hindi talaga ako papayag na hindi ako pumapayag sa mga puchu-puchu na gawa, di ako tumitigil sa isang bagay hangga’t di ko yun nasasabihan ng “wow maganda na” at ayokong gagawa ng pangit. O di ba? MaARTi ako. Hahahaha! Saka sa course ko na feel talaga yung spark na gusto ko talaga yung ginagawa ko, yung naeenjoy ko bawat activities na ginagawa namin, sobrang nakaka pressure minsan pero talaga namang masusubok ang galing mo.
Sabi ng iba walang kwentang course ang “Masscomm” pero para sabihin ko sa inyo. HINDI! Di nga ‘to mahirap gaya ng ibang course pero hindi madali ang course na ‘to. At para malaman nyo, masaya mag masscomm, nakaka enjoy, nakaka pressure, nakaka challenge, nakaka loka, at nakakamatay na ‘rin minsan. Sunod sunod and deadlines, at kailangan talaga mabilis ka mag-isip, madiskarte, resourceful, bawal ang petiks! Kailangan mo tumuklas ng ibang bagay sa sarili mong pagsisikap mismo. Dahil minsan sarili mo lang ang magtuturo sayo para mas lalo kang matuto at para lalong lumawak ang kaalaman mo sa mga bagay bagay.
I’m a Masscomm- Broadcast student and I’m proud of it! :)
Itong mga batang ito ay mga pulubi sa Mendiola.
Napaka sarap isipin na kahit gaano kahirap ang bansa natin, nakukuha pa rin nating ngumiti at maging masaya.
Pero sa kabilang banda nakakalungkot pa din dahil hindi naman dapat maranasan ng mga batang ‘to ang matinding hirap ng buhay, ang mga batang ito ay walang nais kundi ang maglaro, mag-aral at maging masaya.
Sana nakikita ng gobyerno yung ganitong kalagayan ng mga batang musmos para mabuksan naman yung puso nila para tulungan ang mga mahihirap na pamilya.. At minsan ang masakit pa, nakikita na nga ng gobyerno pero pilit pa rin nilang sinasarado yung mga mata nila sa reyalidad at mas iniintindi pa nila yung kanilang pansariling interes..
Nakakatuwa ‘tong mga bata na ‘to kasi, nag shoshoot kami ng OBB para sa docu namin tapos sumisingit sila sa camera na parang sabik na sabik silang makita sa litrato o kaya sa video.. Sana balang araw makita ko ‘tong mga bata na ‘to ulit, pero sana.. hindi na sa ganitong kalagayan..
ni Efren Reyes Abueg
revised by Regine Adeline DJ. Mercado
Mga Tauhan:
Aling Ebeng *Mary Ann A. Fernandez– matanda at masungit na pilay, nanlilimos sa simbahan ng Quiapo.
Tinay *Frenilla Kristine F. Kong – listang apo ni Aling Ebeng, masipag magtinda ng kandila.
Ada *Kristine Bernadete G. Sasi – namatayan ng ina kaya’t napilitang manlimos sa kalye. Matalino, mabait at may takot sa Diyos.
Nanay Susan *Kristhia Aura P. Daileg – ina ni Ada. Pinalaking mabait at masipag ang kanyang anak, hindi nagtagal binawian ng buhay dahil sa sakit na tuberkulosis.
Bruno *Roen Karlo F. Tejero – siga ng Quiapo, kinatatakutan ng lahat, sugapa sa pera. Nagrebelde dahil lumaking walang ama at sugalera ang kanyang ina.
Nene *Kathleen P. Lopez – nakababatang kapatid ni Bruno. Matalik na kaibigan ni Tinay.
Eva *Rossete A. Lamparas – sugalera at lasinggera. Dating nagbebenta ng aliw.
Roberto/Betsie *Vener John D. Reyes – nagtitinda ng sampaguita. Kasa-kasama ni Ada sa Quiapo at naging mag-kaibigan.
Kriselda/Tunying*Regine Adeline DJ. Mercado – baliw na sumisimbolo/saksi sa kabangisan ng lungsod.
Tindera *Mary Hershey Q. Miaco
Nagsisimba 1* Leni Rose P. Carganilla
Nagsisimba 2* Elaine Q. Santos
Nagsisimba 3* Den Marie C. Cabralda
—ENTRANCE—
{Background Music: Creepy Music}
Kriselda: Ada… Nakita mo ba si Ada?! Ikaw? Nakita mo ba sya? [—biglang makikita si Ada, mapapangiti—] Ada nariyan ka pala! Kanina pa kita hinahanap… [—lalapitan si Ada at Susan (frreze)—] Bakit may luha sa iyong mga mata? [—malungkot na nagtanong… Biglang mapapatawa—] Naglalaro ba kayo ng iyak iyakan?! Hahaha! Hindi… ayokong umiyak… ayoko ng umiyak! [—maiiyak at biglang tatawa—] Tara! Maglaro na lamang tayong tatlo ng aking anak! Sumama ka sa’kin Ada… Sumama ka…
{Sound Effects: Rain and Thunder}
Unang Tagpo
Tauhan:
Nanay Susan
Ada
[Yakap-yakap ni Ada ang kanyang mahal na ina dahil malapit na itong bawian ng buhay…]
{Background Music: Sad Instrumental}
Ada: Nay, wag mo akong iiwan… [—umiiyak dahil sa nalalapit na paglisan ng kanyang ina--]
Nanay Susan: Anak… [—ubo ng ubo—] mukhang hindi na ko magtatagal… [—ubo…ubo—buntong-hininga—] wala naman akong maipapamana sa iyo kundi ang iyong taglay na karunungan, ang pagpapalaki ko sa iyo bilang isang mabait at masunuring bata, [—uboooo—] at higit sa lahat… pananampalataya at takot sa Diyos.
(**Napapaiyak habang hawak ni Ada ng mahigpit ang kanyang ina, pinapakinggan at isinasapuso ang bawat salitang sinasabi nito)
Nanay Susan: [—may dinukot sa bulsa—] Ada anak… [—ubooo…—] Itago mo itong eskapularyo, isuot mo palagi upang maging ligtas ka kahit saan ka man mapunta… mahal na mahal kita anak ko, ipinapangako kong palagi kitang gagabayan [—sinumpong ng matinding pag-ihit ng ubo, sumuka ng dugo at dahan dahan, nilisan na ang mundong ibabaw—]
{Background Music: Sad Instrumental}
Ada: [—napa-iyak ng malakas—] Nanay?? Nay?! Wag naman kayo mag biro ng ganyan, di ba sabi mo sabay tayong tatanda? Tapos di ba magiging matagumpay akong inhinyero tapos ipapagawa ko kayo ng malaking bahay… tapos kakain tayo ng masarap… ung madaming madami, di ba nay gusto mong kumain sa Jolibee?? Pangarap natin yun eh… Naaay?? Wag mo naman akong iwan oh… Di ko kayang mag-isa… NAAAAAAAYYY!!
BLOCK OUT
Ikalawang Tagpo
Pook: Quiapo
Tauhan:
Ada- naninibago sa lugar, natatakot
Tinay- naglalako ng kandila, masayang kumakanta
Nene- nagbebenta ng sampaguita
Betsie-nagtitinda ng sampaguita, mainit ang ulo
Mga magsisimba- masusungit, naiirita sa mga nangangalabit at marurusing na nanlilimos
Mga Tindera- maiingay ang bibig, ganado magtinda
{Sound Effect: Traffic, People and NOISE!!!}
Ada: Nasaan ako?? Anong klaseng lugar ‘to?! [—paikot-ikot,nakatingala,napapakamot sa ulo—] Napaka-ingay… nagkaka-gulo ang mga tao, san naman kaya ako pupunta?!… [—napapadyak at naapakan ang paa ni Betsie—]
Betsie: [—may hawak na sampaguita—]Aray keessss!![—Ada nakatingin kay Betsie di napansing naapakan ang paa nito—] naapakan mo ang bagong fedikyur kong faah…okay lang?!
Ada: Ay naku! Paumanhin… Di ko sinasadya, hindi ko napansin na may tao sa likod ko, pasensya na!
Betsie: Walang-hiya ka, vagong kyutiks pa naman ako sa faa tafos sisirain mo lang, haw der yu! Beystows. Hmps! Jan ka na nga vusit!
[--Lumayo na si Betsie… nilapitan ni Tinay si Ada at kinausap dahil nakita nito ang nangyari--]
Tinay: [—natatawa,may dalang sampagita—] Ganun talaga si Betsie, ang sungit no? Sabi sakin ni Nene kaya raw yun masungit kasi nag break sila nung jowa niya… ako nga pala si Tinay… Ikaw? Anung pangalan mo? Ngayon lang kita nakita dito ah? Naliligaw ka ba? Huy!
Ada: [—nagulat dahil di pinagtutuunan ng pansin si Tinay—] Aaa…ano ulit yun?
Tinay: Ang sabi ko anong pangalan mo? Ngayon lang kasi kita nakita dito… naliligaw ka ba?
Ada: Ako? Ada… Ada ang pangalan ko, ano bang lugar ito?? Bakit ang ingay at ang daming tao?
nagkakagulo sila, parang mga manok sa loob ng sabungan…
Tinay: Hindi mo alam ‘tong lugar na ito? Nasa Quiapo ka kaibigan… Ayan sa likod mo ang simbahan… Dumaragsa ang mga deboto dito tuwing byernes kaya ganito kagulo ngayon… saang lugar ka ba galing? Bakit mag-isa ka lang? Nasaan ba ang nga magulang mo?
Ada: [—napatulala sa simbahan--] Ito pala ang simbahan ng Quiapo, gustong magpunta dito ni Nanay Susan bago siya pumanaw, ngunit hindi ko siya nadala rito… Dito raw sila madalas magsimba ni Tatay, ipinupunas ni nanay yung panyo nya sa Poong Nazareno at yun ang nakapagpapabuti ng pakiramdam ni Tatay… Subalit iniwan na nila ako, pero masaya ako! Kasi alam kong magkasama na si Nanay at Tatay sa langit…
Tinay: Ang lungkot naman… pero alam mo, wala na rin akong magulang… pero kasama ko ang Inang ko, si Inang Ebeng… tara! Papakilala kita sa kanya!
Ikatlong Tagpo
Pook: underpass sa Quiapo
Tauhan:
Ada
Tinay
Aling Ebeng
Tinay: Inang narito na po ako, may dala akong masarap na… [—hinampas ng saklay ni Aling Ebeng—]
Aling Ebeng: Saan ka na naman lumaboy bata ka! Hindi mo ba namamalayan ang dilim? Paano kung nadampot ka ni Bruno! Edi wala na naman tayong makakain! Ikaw talaga hindi ka marunong sumunod sa akin! [—patuloy na sinasaktan si Tinay habang umiilag ito sa hampas ng kanyang Inang—] at sino naman yang kasama mo? Pandagdag palamunin? Wala na nga tayong makain eh! Sino ka?!
Adong: [—natatakot na tinig—] Aaa…ada po… Galing po akong Baseco, pumanaw na po ang aking ina kaya’t napadpad ako dito sa Quiapo… Ipagpaumanhin po ninyo kung naabala ko kayo ni Tinay…
Tinay: Inang maawa na po kayo kay Ada, wala po siyang matutuluyan, dito po muna sya sa lugar natin baka po mapagkatuwaan siya ni Bruno…
Aling Ebeng: O sya… ganito na lamang, hahayaan kita mamalagi dito sa lugar namin, pero sa isang kundisyon! Magtatrabaho ka, tutulungan mo si Tinay magbenta ng kandila, naiintindihan mo?
Ada: Opo Inang Ebeng! Maraming maraming salamat po, tutulungan ko po si Tinay bukas na bukas din… [—masayang-masaya—]
Aling Ebeng: Mabuti kung gayon… Tinay, ihanda mo na ang ating hapunan at tayo ng kumain…
BLOCK OUT
Ika-apat na Tagpo
Pook: malapit sa simbahan
Tauhan:
Ada- nag simula na ring manlimos
Aling Ebeng- nagmamasid, tinatanaw si Adong
Betsie- hindi mapalagay
Bruno- maghahasik ng kasamaan
Mga Tindera- maiingay at ganado magtinda
Kriselda- magbababala sa mga tao
{Sound Effect: creepy}
[—naka-freeze lahat ang mga tauhan—habang nagsasalita si Kriselda—]
Kriselda: [—dahan-dahang papasok—naka ngisi na takot—] Nararamdaman ko na naman ang Dyablong sumisira sa bait ng bawat isa sa lugar na ito… Mapangahas, mabagsik, nakapanghihilakbot… Magigimbal muli ng lagim ang lugar na ito, mababalot ng kasamaan at lalamunin ng impyerno ng buong buo ang bawat nilalang, walang ititira! Walang makaliligtas!!
[—Gagalaw na ang mga tauhan, normal…gaya ng dati—]
{Background Music: Sino ang Baliw to be sung by Regine}
Tindera1: Hoy Tunying! Lumayas ka nga sa harap ng tinda ko baka malasin ako ngayon… alis!
Kriselda: Hindi Tunying ang pangalan ko! Ako si Kriselda! Kriselda ang pangalan ko!!
Tindera2: Kaya pala wala akong benta kasi darating ka! Isa kang salot! SALOT!
Tindera3: Paalisin nyo na yang salot na yan! Malas ka! Salot! Layas!
[—Umalis si Kriselda, nakatakip ang palad sa magkabilang tainga, tumakbo paalis, sumisigaw—]
Betsie: Vakit kaya kinakavahan akes, farang may mangyayaring di habey…
Ada: [—kinalabit si Betsie at magugulat—] Ahm… ako nga pala si Ada, gusto ko sana humingi ng tawad…dun sa kahapon…
Betsie: Fas is fast! Wag mo na ifaalala…at vakit vey andito ka? Sinunundan mo va akess? Sabi ehh! naiinggit ka sa byuti at flowles kong bodeeh! Echoserang frog! [—biglang mapapatulala,matatakot—] Bbb…runo?
Ada: Huh?
[—mapatigil ang lahat dahil nakita si Bruno—unang nakita si Betsie—]
Bruno: Hoy ikaw! Anong tini-tingin mo jan! Matikas na ba buto mo bakla?
Betsie: Sinong bakla dito? Roberto ang pangalan ko! [—magkukunwariang matikas ngunit bumigay sa pagiging lalaki ng tinulak ni Bruno at kinuhanan ng pera—]
Bruno: At ikaw? [—nakatingin kay Ada—] mukhang bago ka lang dito ah, mukha pang basang sisiw… Nasan ang kita mo?
Ada: Ww…wala…wala akong pera… wala pa…
Bruno: [—Hinablot ang damit ni Ada—nanlilisik ang mga mata—] Wala? Ibibigay mo ba o bubugbugin kita!
Ada: Hindi ako natatakot sayo Bruno!
Bruno: [—tinulak ni Bruno si Ada… napalupasay ito sa sahig at hinablot ang buhok—] Ang tigas ng mukha mo para sabihin sakin yan! Ibibigay mo ba sakin o papatayin na kita?! [—ibinigay ni Ada ang kanyang kaunting barya —] Ibibigay mo rin pala e! Nagmamatapang ka pa! [—umalis na si Bruno—]
Betsie: [—tinulungang tumayo si Ada—] bat ka pa kasi lumaban…
BLOCK OUT
Ika-limang Tagpo
Pook: sa tahanan nila Eva
Tauhan:
Bruno-nagbibilang ng nakulimbat na pera
Nene-naglalaro ng manika
Eva-lasing na dumating sa bahay
Eva: [—nakita si Bruno at kinuha ang mga pera nito—] para sa akin ba to? Hahaha
Bruno: Ano ba nay! Akin yan… Wala kayong karapatan kunin yan! Dahil pinag hirapan kong kitain yan!
Eva: Kitain? Kinita mo yan? Haha…ang sabihin mo ninakaw mo!
Bruno: [—pilit na kinuha ang pera kay Eva—biglang inawat ni Nene—] Ibalik nyo sakin yan!
Nene: Nay! Kuya! Tama na po… Wag na kayong mag away…tama na!…
Eva: [—pinag balingan si Nene ng kalasingan at binugbog ito… sinabunutan, pinalo, piningot—] ‘bat ka ba nakikialam samin ha?! Peste kang bata ka! Mga peste kayo sa buhay ko! [—napaiyak sa sobrang galit—]
Bruno: [—pinagtanggol si Nene—tinulak ang ina—] Wag nyong saktan si Nene!
Eva: Ang kapal ng mukha mo para gawin sa’kin to… sino ka ba?! Isa ka lang palamunin na nakikitira sa pamamahay ko! Wala ka namang silbi!
Bruno: Nay… baka nagkakamali kayo! Ako ang kumikilos dito para may maipalamon sa inyo! Sariling dugo at pawis ang ipinupunla ko para buhayin kayo! Samantalang ikaw! Ipinangsusugal at pinang lalaklak mo lamang ng alak!
Eva: [—sinampal si Bruno—] Wala kang pakielam kung anong gusto kong gawin sa buhay ko! Dahil kayo ang sumira ng buhay ko! Kung hindi kayo dumating edi sana nasa Japan ako ngayon kasama ng tatay tatayan nyo!
Nene: Totoo pala ang sinasabi nila… na nagbebenta kayo ng aliw noon…
Eva: Oo! Ngayong alam nyo na? Pinandidirihan nyo na rin ba ko tulad nila? Ha? Ano?! Sumagot kayo!
Bruno: Tara na Nene, umalis na tayo dito sa pamamahay na to!
Eva: Teka! Sandali… San kayo pupunta? Bumalik kayo dito! Bruno! Nene! [—pasigaw na humahagulgol—]
BLOCK OUT
Ika-anim na Tagpo
Pook: malapit sa simbahan ng Quiapo
Tauhan:
Ada
Tinay
Aling Ebeng
Kriselda
Tinay: Ano Ada? Gusto mo pa bang manatili dito sa lugar namin? Gusto mo atang masampulan ka na naman ni Bruno… Huy Ada! Nakikinig ka ba sa’kin? Ano ba yang hawak mo?
Ada: [—hawak ang eskapularyong bigay ng ina—nakatingin sa kawalan—] Binigay sa’kin to ni Nanay Susan bago sya pumanaw, sabi nya… Isuot ko ‘to palagi para maging ligtas ako san man ako magpunta… Alam kong ginagabayan pa rin ako ni inay hanngang ngayon Tinay! Di nya ako pinapabayaan…
Aling Ebeng: Ada, mag iingat ka, hindi mo alam kung anong pwedeng gawin sa’yo ni Bruno, wala siyang sini-sino, mas lalo nyang pinag-iinitan ang kung sinong kumakalaban sa kanya… hinding hindi ka nya palalagpasin…
Ada: Salamat po sa paalala Inang Ebeng, hindi naman po siguro ako pababayaan ng Diyos, dadaan muna po ako sa simbahan…
Aling Ebeng: O sige, mag-iingat ka… Tinay, ayusin mo na itong mga kandila at simulan mo ng magbenta habang maaga pa…
[—Huminto si Ada sa harapan ng simbahan—]
Ada: Ang simabahang ito na lamang ang nagsisilbing lakas ko upang mabuhay sa araw-araw… Panginoon, salamat po sa lakas na binibigay nyo sa’kin… kahit ulila na ako alam kong may silbi pa ako para mabuhay…
[—Umalis ng simbahan at sinimulan ng manlimos—]
(** Irap, pandidiri, pagka yamot, ang tanging natatanggap ni Adong mula sa kanyang panlilimos)
Nagsisimba1: Kawawang mga bata… sinasangkalan ng kanilang mga magulang para may maipangsugal…
Nagsisimba2: ‘Bat kayo pinapabayaan ng mga magulang nyo na magka ganyan! Nakakaawa…
Nagsisimba3: Wala, tumabi ka nga!
{Background Music: }
[—Halos mawalan na ng pag-asa si Ada, ngunit ng kumalembang ang kampana… nag silbing hudyat ito upang mas pagbutihan nya ang paglalahad ng kanyang maruming palad sa mga taong dumaraan… Ang iba sa kanila ay nagbibigay ng kaunting sentimo ngunit mararamdaman mo ang kanilang pagkasulasok sa maruming palad na madidikit sa kanilang mga kamay…]
Ada: Ale…palimos po, pang kain lang po… maawa na po kayo…
[—Nakita ni Ada malayo pa lamang napaparating na si Bruno—dala dali itong nagpaalam kay Aling Ebeng—]
Ada: Inang Ebeng, dyan na muna po kayo… Sabihin nyo na lang kay Bruno na wala ako…
Aling Ebeng: Ano ka ba Ada? Nasisiraan ka na ba ng bait?!
Ada: Ako na pong bahala…
Aling Ebeng: Ada! Saan ka pupunta? Sasaktan ka lamang ni Bruno!
{Sound Effects: Heart Beat Slow Mo}
[— Tumatakbo papalayo si Ada, walang pakialam sa humahagibis na sasakyan sa kanyang tinatawiran makalayo lamang sa mabangis na lungsod na iyon… nang mabanaagan niyang naglaho na si Bruno sa kanyang paningin, napaupo siya sa pagkapagod at napayukyok siya sa kanyang tuhod… Naramdaman nya ang panandaliang katahimikan noon, ilang sandali lamang ng biglang nagimbal siya ng marinig nya ang basag na tining na tumawag sa kanyang pangalan… biglang napatayo si Ada at napa urong sa kanyang nakita—]
Ada: Bruno?
[— Nanlilisik ang mga ata ni Bruno, binabalak nitong gahasain ang menor de edad na si Ada… —nilapitan ni Bruno, sabay hablot sa kalupi na may kaunting bagul… ibinulsa ito at sinimulan nang halayin ang kaawa-awang si Ada —]
Ada: Anong binabalak mong gawin?! [—papaatras na lumayo…nanginginig ang boses at takot na takot…—] tulong! Tulungan nyo ako! Wag Bruno parang awa mo na! Tulungan nyo ko! Maawa kayo sa’kin…
[—Narinig ni Kriselda ang pangyayari kaya’t pagkatayo ni Bruno bigla nitong hinampas sa ulo si Bruno ng makapal na kahoy kaya’t nawalan ito ng malay… nilapitan nito si Ada na umiiyak at tila nawawala na sa sariling bait—]
{Background Music: Flashback ni Kriselda noong ginahasa sya noon}
Kriselda: Napakasalimuot ng pangyayaring iyon… Nang simulan akong halayin at pagnasaan ng isang lalaking naka itim… ramdam na ramdam ko ang lason na pumapasok sa loob ng aking katawan… Ang bangis at ang bagsik ng kanyang mga matang tumutunaw sa aking kaluluwa… Ang kamay na nagsisilbing gapos upang ako’y hindi makawala sa sakit at hapdi na sumira sa aking buong pagkatao… kinamumuhian kita… ikaw… ikaw! Kayong lahat na ngangungutya sa aking pagkatao… Ang lumapastangan sa aking pagkababae! Isinusumpa ka kayong lahat! Mamamatay kayo! Mamamatay! …
~Epilogue
PS: Sorry sa mga typos if ever meron, kung may play din kayo you can use this just ask for my permission first ha? Thanks and enjoy reading! :)
~I played the role Kriselda
Event: Entablado: Dramafest 2011
Date: February2011
“MABANGIS NA LUNGSOD” originally written by Efren Reyes Abueg and Revised by Regine Mercado
Itong dramafest ay final exam namin para sa Theater and Arts na major subject namin, ang nabunot naming storya ay ito nga ”Mabangis na Lungsod” at nung binasa namin sobrang ikli ng story, tapos wala pang dialogue yung mga characters, at ang masaklap pa tatlo lang yung gumanap na tao sa storya, si Adong, si Aling Ebeng at si Bruno, eh mga lagpas 10 kami nun sa grupo, at yun nag assign na ng director, scriptwriter, production manager, propsmen, stage director etc. and luckily they assigned me to be the scriptwriter! :”> Nakakatuwa lang na pinagkakatiwalaan ka sa grupo di ba? Para sakin big deal yung posisyon na binigay nila sakin, syempre, sa scriptwriter nakasalalay ang buong storya ng play nyo.. Tapos nirevised ko yung story (i will post later) dinagdagan ko ng casts and scenes, nilagyan ang twists and everything, since ako naman ang gumawa ng story, napagkasunduan kasi na magkaron ng “baliw” (na naman) para mg symbolize ng kabangisan ng lungsod eh malugod ko ng tinanggap ang role na iyon! Haha. Grabehan na itey! Baliw na baliw na talaga ang lola mo! *charaugh! Hahaha!
Grabe, habang nagrerehearse kami inaabot pa kami ng mga past 10 ng gabi sa loob ng school, tapos talagang todo practice kami after class, sineseryoso namin bawat rehearsals kasi competition yun, lahat ng sections magkakalaban, and then bawat sections kasi hinati sa dalawang group, so bale 6 kaming naglaban-laban.. And syempre di naman mawawala yung conflict sa grupo, sabi nga ng prof. ko “hangga’t hindi nag aaway-away sa grupo, ibig sabihin wala pang nangyayari na progress”.
Thank God! Nanalo kami ng Best in Concept and 2nd Best Production. Iba talaga ang nagiging result kapag isina-sapuso natin lahat ng ginagawa natin sa buhay, at matinding prayers and faith kay God dapat ang manguna sa lahat! :)
By Regine Mercado
Characters:
Regine Mercado as Helen
Roen Tejero as Tonyo
Synopsis:
This is a story of a girl who was forced to be imprisoned in asylum after the tragic death of her parents because she experienced traumatic illness due to her extreme depression after the incident. After that she was suspected to be insane when she tends to saw supernatural beings which are not visible to the eyes of normal people.
(It was a rainy Saturday evening while Tonyo [—reading newspaper and drinking liquor--] heard that someone is calling his name and continuously banging the door.)
Tonyo: Just a moment please… [—Puts down the newspaper—] (The banging on the door gets louder and louder) Ohh Laura, don’t be too excited -he whispers- I’m coming!! [—Walks crookedly into the door—]
(Tonyo was shocked on what he saw… [—His jaw dropped down and his knees trembled—] it’s her younger sister that must be inside the asylum.)
Tonyo: He…Helen?? What the hell are you doing here? You… You must be in the asylum by now! [—Trembling voice—]
Helen: Brother, please help me… He…the doctor, he was chasing me, He’s trying to kill me! He has a knife, a very very big knife…Look! I got this scar from him! [— She showed her arm full of blood—]
Tonyo: Helen I can’t help you, my wife is coming, I don’t want her to know that I have a crazy sister … No, I mean, I don’t want her to see you like that! Look at yourself! [—Panicked voice—]
Helen: [—She looked at her back—] Tonyo! He’s coming!
Tonyo: You’re really insane Helen… You better go back to your place. [— Gets his phone and call at the asylum—]
Helen: Tonyo, please believe me! This is for your own sake… I went here to protect you! I don’t want you to be the next victim of the silent killer! [—Sounds convincing—]
Tonyo: [—Threw his phone and became hysterical—] to believe you? - Softly saying - You’re asking me to believe you?! - Louder - And what the hell I care about your hallucinations?! (Tonyo felt a cold wind around his neck [— rubbed his neck—] that raised his hair strands in arms but he ignored.) He must kill me first before I believe that you’re not telling such crazy stuffs!
(The lights fluctuated [—Helen and Tonyo looked at each other—] and the strong wind blew.)
Helen: He’s here… [— Trembling voice—]
Tonyo: What? (The silent killer started to choke Tonyo [— Tonyo held his throat… trying to speak—]) Hee…ellp me, Hel…en! [—Coughs, raising his arm to ask for help—] Oh Loooord! -Dead-
(Helen cried, as she went to her brother [—Kneeling while crouching—] and said…)
Helen: What do you want?! You have left nothing for me! You took them away… my Mom, my Dad and now my brother?! You’re so cruel!! Tell me what you want and I will give it to you! My life is useless without my family… Answer me?!
(The lights fluctuated again…)
Helen: [—She gets her ‘balisong’ inside her pocket and opened it—] my soul… I know you want my soul… Well, if that’s the case…I’ll give it to you then. [—Killed herself—]
~The End
*Ito pong istoryang ‘to ay ginawa ko last September 2010, ginawa ko ‘tong piece na ‘to nung pinagawa kami ng prof.namin ng play na 5mins. I played the role Helen and Roen played the role Tonyo. Salamat sa pagbabasa! :)
(Sept.2010) 2nd year days… Ito yung first time ko mag play ng role as “baliw” haha! Pero effective dahil baliw naman talaga ako. *charaught! Haha, and I made my own story entitled “The Silent Killer” first time ko din gumawa ng story na english! Grabe *nose bleed lang! 5 mins.yung play na yan, bakit kaya horror/suspense pa kaya ang napili kong genre samantalang yung mga kaklase ko puro tungkol love story, friendship, haha! Well, syempre gusto ko syempre ng unique! Haha, di ko naman pinag-sisihan yung pinili ko dahil mataas naman yung grade na binigay samin ng prof. ko, partner ko nga pala jan si espren Roen, buti na lang pumayag siya sa ginawa kong play namin. Haha, nakakatuwa lang na nagawa namin yun, kasi nakakahiya talaga kami lang naiba, tapos todo acting pa kami! Haha :)
Kakaibang exprience, nakakakaba pero masaya! After naman nun naka-hinga kami ng maluwag, iba rin kasi kapag gumagawa ka ng piece na unique kasi makukuha mo yung atensyon ng audience.. Kahit sabihin na “Mkuka naman tong tanga” masasabi mo sa kanila na “Bakit?! Kaya nyo bang gawin yun??” BOOOM! Hahaha :”> Natutunan ko rin na dapat minsan kapag gagawa ka ng obra kailangan yung natatangi at naiiba sa obra ng iba, para makuha mo ang atensyon ng mga matang nakakakita sa’yo..
~Ipopost ko yung “The Silent Killer” ko na story after nito..