After all we’ve been through..

Sobrang namimiss na kita baby.. Kung alam mo lang kung gaano kita hinahanap sa araw-araw, namimiss ko yung mga araw na nagtatawanan tayo, nagkukulitan, naglalambingan.. Namimiss ko na kapag hinahawakan mo yung kamay ko habang naglalakad tayo, sabay tayo kumakain, namamasyal.. Kapag inaantok ako pinapatong mo yung ulo ko sa balikat mo at sabay hahaplusin yung buhok ko.. Ang sarap-sarap lang sa pakiramdam na nararamdaman ko yung love mo sa’kin kahit sa maliliit na bagay lang at sobrang naaapreciate ko lahat ng ginagawa mo sa’kin..
Miss ko na din yung ngiti mo na bumubuo ng araw ko.. Baby miss ko na lahat ng ginagawa natin ng magkasama tayo.. Alam ko maraming beses na tayong nag-away, nagkatatampuhan, nagkaselosan, pero lahat ng yun nalagpasan natin at heto tayo ngayon.. Masaya pa din at mahal pa din natin ang isa’t-isa.. Sa sobrang dami na nating napagdaanan hindi ko na kaya pang mawala ka sakin, kahit na nasaktan mo ko ng sobra noon, sobrang pinaramdam at pinatunayan mo na nag-sisi ka talaga sa nagawa mong kasalanan.. Hindi ka talaga huminto sa pagsuyo sakin non para lang pansinin kita ulit, kahit sobrang pagod mo galing sa work non sinusundo no ko ng madaling-araw sa Bulacan at ihahatid sa school, dinadalan mo ko ng breakfast at flowers kahit pinag sasaraduhan lang kita ng pintuan, kahit kung ano-ano ng naririning mo sa tabi-tabi di ka pa rin sumuko sakin, kahit minsan nasasaktan at napapahiya na ka sa mga naririnig mo sa ibang tao di ka pa rin nagpadala sa mga sinasabi nila, sinunod mo pa rin yung sinasabi ng puso mo.. Hindi lang yan, marami ka pang ginawa non para mapatawad kita at sa mga panahon na yon sobrang gulong gulo na yung isip ko..
Di ko rin alam kung saan ako kumuha ng lakas para harapin yung pagsubok na yun, si Lord talaga yung ngturo ng way at si Lord din ang nagsolve, at sinabi Nya na, mag move-on na ako sa nangyari, magpatawad at magsimula ulit ng bago.. Sana nakita rin ng mga mangmamata sayo lahat ng pinagdaanan mong hirap para mapasayo ako ulit, para wala na silang masabi pa.. Nakakalungkot lang minsan na puro panghuhusga na lang yung naririnig mo sa kapawa mo eh.. Alam kong maraming nagalit, naguluhan, natangahan, nahiwagaan sakin nung pinatawad kita, alam kong hindi nila ko maiintindihan sa ginawa kong yun pero alam kong maiintindihan rin nila yun balang araw.. Pag nagmahal sila ng TOTOO..
Masaya ko na malaki na yung naging improvement mo, active ka na ulit sa church at naglelead ka na sa Bible Study ng youth, kung hindi yun nakikita ng ibang tao at naaapreciate, ako sobrang natutuwa para sayo :) Kasi di naman nila kayang gawin yung ginagawa mo eh.. At alam ko someday magiging worth it lahat ng mga napagdaanan natin..
Salamat din baby dahil di ka sumuko, pinatunayan mo rin na kahit sa pinaka matinding pagsubok na nagyari satin nakuha mo pa rin lumaban kahit lugmok na lugmok ka na, pinipilit mo pa rin ibangon yung sarili mo at ipaglaban yung relasyong nawala satin..
Di naman ako nagtatanim ng galit eh, marami ng tao na ginawan ko ng mabuti pero ginantihan ako ng masama pero napatawad ko rin sila, kaya “ikaw”.. Napatawad na rin kita.. Sana natuto ka na at wag ng gawin pa sa iba, hindi lang talaga ako yung katapat mo na gagantihan at sasaktan ka, never ako gumanti at nanakit ng tao ang hinihingi ko lang ang salitang “Sorry” at yung sincerity ng salitang yun.. Oryt? :)
Sana sa mga susunod pa nating pagsasama mawala na yung problema.. Iloveyou baby! ☺