Meet Your New Obsession
© Theme
by ubhie

Missing YOU…

Ang arti lang ng picture ko? Haha. Grabe namiss ko magpost sa Tumblr! It’s been so looong since I stopped posting here coz i’m “busy-busyhan” :) Haha! Anyway, The picture was taken somewhere in Davao, di ko alam yung place eh! Haha.. Basta and alam ko lang amoy Durian ang paligid :) 

Bakit nga ba ganyan yung itsura ko sa pic? E kasi naman, kahit nasa malayo ako, hindi ka pa rin mawala sa isip ko, namimiss kita.. At kahit saan ako tumingin, ikaw yung palagi kong nakikita at naaalala.. 

Oh well, emotera much? Haha. I miss you Tumblr friends! Ttry kong dalasan ang pag popost dito.. Byieee! :)

Meet my FRIENDS ☺

Laurence, Me, Donna, Kathlene, Kristhia, Kaye, Frenilla and Roen

They are the sweetest and the wildest person i ever know! 

Videofest Awarding Ceremony (March 10, 2012)

1st Runner up for Best Script

Isa na ‘to sa napakalaking achievement na natanggap ko sa buhay ko, at dahil sa award na ‘to nagkaron ako ng confidence sa sarili ko, na kaya kong sumulat ng may laman, na galing sa puso, hindi lang basta may maisip at may maisulat.. At sobrang nagpapasalamat ako kay Lord dahil binigyan nya ko ng strength na makaya lahat at makabuo ng magandang storya.. Lahat ng pagod, hirap at gastos namin sa pag gawa ng documentary nasuklian ng awards at masasabi naman talaga namin na “It’s all worth it” .

w/ Pauline Perez

Haha! Nabigla talaga ko nito nung tinawag yung name ko for “Best Dress”, Vintage Hollywood daw kasi dapat ang attire, nag fish net na nga ako para di masyadong makita yung malaki at mataba ko na legs, pero UGH! Grabe talaga wala na kong magawa. Pero thankful ako kasi napili ako and I really appreciate that. Haha! Masyadong malaki para itago, pasensya na guys kung masakit sa mata. LOL 

JP Jones, Me, Pauline Perez, Student from CEU Malolos

After ng awarding na ‘to para kong nabunutan ng malaking tinik. Mahirap gumawa ng docu, mahirap mag-isip ng topic kasi hindi naman kaylangan ng basta-basta and mahirap i-please yung mga directors na nag judge samin. And I was flattered when they said na ang Documentary entries daw ang may pinaka mahigpit na competition.. Napaka gandang experience din samin ‘to dahil marami kaming natutunan at nadiscover. 


For Documentary Entry Videofest 2012

Host: Danika Anna Cruz
Excecutive Producer: Kristine Bernadete Sasi
Director: Kristine Ivy Palen
Scriptwriter: Regine Adeline Mercado
Production Manager: Leni Carganilla
Researchers: Evrheene Balbuena, Minerva Lazaro, Jona Orille
Production Assistant: Kimberly Mae Hinola  
Videographer: Bhong Divino 
Awards: 
  • Best Value Oriented Documentary; 
  • 1st Runner up for Best Concept; 
  • 1st Runner up for Best script; 
  • 1st Runner up for Best host; 
  • 2nd runner up for Best Videography; 
  • 1st Runner up for Documentary Category; and 
  • Best Over all Team Production. 

After all we’ve been through..

Sobrang namimiss na kita baby.. Kung alam mo lang kung gaano kita hinahanap sa araw-araw, namimiss ko yung mga araw na nagtatawanan tayo, nagkukulitan, naglalambingan.. Namimiss ko na kapag hinahawakan mo yung kamay ko habang naglalakad tayo, sabay tayo kumakain, namamasyal.. Kapag inaantok ako pinapatong mo yung ulo ko sa balikat mo at sabay hahaplusin yung buhok ko.. Ang sarap-sarap lang sa pakiramdam na nararamdaman ko yung love mo sa’kin kahit sa maliliit na bagay lang at sobrang naaapreciate ko lahat ng ginagawa mo sa’kin..

Miss ko na din yung ngiti mo na bumubuo ng araw ko.. Baby miss ko na lahat ng ginagawa natin ng magkasama tayo.. Alam ko maraming beses na tayong nag-away, nagkatatampuhan, nagkaselosan, pero lahat ng yun nalagpasan natin at heto tayo ngayon.. Masaya pa din at mahal pa din natin ang isa’t-isa.. Sa sobrang dami na nating napagdaanan hindi ko na kaya pang mawala ka sakin, kahit na nasaktan mo ko ng sobra noon, sobrang pinaramdam at pinatunayan mo na nag-sisi ka talaga sa nagawa mong kasalanan.. Hindi ka talaga huminto sa pagsuyo sakin non para lang pansinin kita ulit, kahit sobrang pagod mo galing sa work non sinusundo no ko ng madaling-araw sa Bulacan at ihahatid sa school, dinadalan mo ko ng breakfast at flowers kahit pinag sasaraduhan lang kita ng pintuan, kahit kung ano-ano ng naririning mo sa tabi-tabi di ka pa rin sumuko sakin, kahit minsan nasasaktan at napapahiya na ka sa mga naririnig mo sa ibang tao di ka pa rin nagpadala sa mga sinasabi nila, sinunod mo pa rin yung sinasabi ng puso mo.. Hindi lang yan, marami ka pang ginawa non para mapatawad kita at sa mga panahon na yon sobrang gulong gulo na yung isip ko..

Di ko rin alam kung saan ako kumuha ng lakas para harapin yung pagsubok na yun, si Lord talaga yung ngturo ng way at si Lord din ang nagsolve, at sinabi Nya na, mag move-on na ako sa nangyari, magpatawad at magsimula ulit ng bago.. Sana  nakita rin ng mga mangmamata sayo lahat ng pinagdaanan mong hirap para mapasayo ako ulit, para wala na silang masabi pa.. Nakakalungkot lang minsan na puro panghuhusga na lang yung naririnig mo sa  kapawa mo eh.. Alam kong maraming nagalit, naguluhan, natangahan, nahiwagaan sakin nung pinatawad kita, alam kong hindi nila ko maiintindihan sa ginawa kong yun pero alam kong maiintindihan rin nila yun balang araw.. Pag nagmahal sila ng TOTOO..

Masaya ko na malaki na yung naging improvement mo, active ka na ulit sa church at naglelead ka na sa Bible Study ng youth, kung hindi yun nakikita ng ibang tao at naaapreciate, ako sobrang natutuwa para sayo :) Kasi di naman nila kayang gawin yung ginagawa mo eh.. At alam ko someday magiging worth it lahat ng mga napagdaanan natin..

Salamat din baby dahil di ka sumuko, pinatunayan mo rin na kahit sa pinaka matinding pagsubok na nagyari satin nakuha mo pa rin lumaban kahit lugmok na lugmok ka na, pinipilit mo pa rin ibangon yung sarili mo at ipaglaban yung relasyong nawala satin.. 

Di naman ako nagtatanim ng galit eh, marami ng tao na ginawan ko ng mabuti pero ginantihan ako ng masama pero napatawad ko rin sila, kaya “ikaw”.. Napatawad na rin kita.. Sana natuto ka na at wag ng gawin pa sa iba, hindi lang talaga ako yung katapat mo na gagantihan at sasaktan ka, never ako gumanti at nanakit ng tao ang hinihingi ko lang ang salitang “Sorry” at yung sincerity ng salitang yun.. Oryt? :)

Sana sa mga susunod pa nating pagsasama mawala na yung problema.. Iloveyou baby! 




Napagod ako ngayong araw..

Grabe sobrang nakakapagod ‘tong araw na’to! Phew! Napaka-init pa kanina sa Mla. tila impyerno ._. 

Naglagay na ko ng gamit kanina sa dorm, sa La Residencia na ulit ako magdodorm, nung first year kasi ako dito na ko nagdorm tapos lupipat kami sa condo ng pinsan ko, ngayon graduate na sya ako na lang mag-isa ang magdodorm, at dito na nga ulit ako napasok..

6 kami sa room, may nakilala na ko kanina. Si Ate Monalyn, graduate na sya ng Opto sa CEU at Dra. na sya, at nagwowork sya sa Quiapo kaya nagdodorm siya, taga Camarines Sur daw talaga siya.. Sunod si Angela, 4th year na din this school year, Pharmacy naman yung course nya, sa Tarlac province niya.. Aun, dalawa pa lang sila na andun sa room kanina eh, mababait naman sila.. Haha

Tapos after namin mag ayos ng gamit sa dorm, dumiretso kami sa Meycauayan, kay Cong. Villarica, gusto niya daw kami ma meet yung mga scholars ng apat ng district (Sta.Maria, Marilao, Meycauayan, Obando) Ayun, nakuha ko yung allowance ko, nung last sem pa ‘to dapat eh..

SORANG BLURRED LANG?? Ugh. Sareeh. Haha 

Ayan, after nun umuwi na kami, mejo nakakapagod lang sa byahe at puyat din kasi ako kagabi.. Haha 

Sayang na opportunity ☹

I’m not a proffesional writer pero for someone like me, this is a really big opportunity that must be grabbed! But then, I said it’s conflict :|

Kuya Edge offered me to be his travel writer for his upcoming project in SBMA, but unfortunately, i’m not available on July onwards kasi may pasok na ko sa this June, sayang din yung experience.. Gusto ko din masubukan para maging broad pa yung knowledge ko being a writer.. In the end, sinabi nya sakin na pwede raw ako mag OJT sa office nya, YAY! Pag nahirapan ako maghanap ng mapapasukan, sa kanila na lang ako.. 

Ang gaan lang din kasi sa feeling na may naniniwala sa mga kaya mong gawin, di ba? 

Tinurn off ko yung cellphone ko ngayon

Bad vibes talaga! Di pa rin ako maka get over hanggang ngayon </3

Inoff ko yung cp ko, ayoko maka recieve ng mga texts nya o tawag nya.. Gusto ko muna mapag-isa, sabi nya kasi tatawagan nya ko ngayon pero napasahan nga nya ko ng GM at nawalan na talaga ko ng gana.. :(

Maraming beses na ‘rin kami nag-away ngayong summer vacation.. Away-bati-tampuhan-suyuan ang madalas naming senaryo.. Pero ako yung palagi nagtatampo at nagseselos, in short, ako yung nag-uumipisa ng away namin.. Kasi naman, para sasabihin ko sa inyong lahat.. Wala akong ibang mahal kundi si Lau.. Sobrang honest ko sa kanya, dahil ang dami na namin napag daanang trials, isa yung sa mga dahilan ung bakit mahal ko siya ng sobra at ayoko ng  humanap pa ng iba.. 

Hindi ko talaga alam kung saan ako kumukuha ng lakas para kayanin ang lahat sa mga ganitong panahon, sobrang layo namin sa isa’t-isa, minsan lang kami magkita, madalang magkatext dahil busy siya sa church.. Pero sa mga panahon na ganito, never ko inisip na makipagtext sa iba or makipag kita.. Palagi lang ako nakakulong sa loob ng bahay, nanonood ng movies, nililibang ko yung sarili ko para hindi ako malungkot, ni hindi nga ko sumasama na sa highscool friends ko kapag nagyayaya silang umalis.. 

Palagi nga kaming nagtatanungan kung “behave” ba kami sa maghapon.. Syempre ako with all honesty, sinasabi kong “Oo”.. Behave naman talaga ko palagi.. Never ko talagang inisip manlalaki or what. Hai, paulit ulit na sinasabi ko.. Di talaga ko okay ngayon.. -_-

SH*T! Bigla akong nakaramdam ng selos!

Haaay.. Grabe hindi ko alam kung tama bang maramdaman ko ‘to, pero nagselos talaga ‘ko! Nanlamig ako bigla eh.. Kasama ni Lau kanina yung mga kachurch niya (youth) pati si itago na lang natin sa pangalang “Erika” sa SM. Ang issue ko naman about this is nagkaron kasi sila ng “something” after Lau and I broke up last summer2010. Mag kachurch din sila, nawala si Erika sa church for months but then she came back again. So, ang kwento ngayon ay ito, nag GM si Lau, about sa lakad nila kanina, then he mentioned the names of his companions, and to my surprise Erika was there, with him.. and take note! May “Love you all” pa sa huli.  

I know madalas na silang magkasama sa church, sa mga events, araw-araw na nga andun si Lau na parang gusto nya na dun tumira. I don’t know if I was just getting paranoid or what. Pero one thing is for sure, i’m starting to have doubts. Fvck talaga! This ain’t good!! 

http://www.tumblr.com/reblog/23985289277/xZOs1Ioz

frenilla:

when i’m with them, i feel so perfect although i’m not…

i feel funny with my corny punch lines…

i feel so tall even though im not…

i feel so rich with our shared stories…

i feel so smart with our own worlds…

… my flaws vanishes as they share their laughters and tears with me.

…and if i were to live my life again, i would choose to be with them over and over again. :))

I feel the same way too sistar! Thanks for being so nice! Sistars forever! :”>

Mom and I

Mom: Gellie, may good news ako sa’yo..

Me: (Excited) Ano yun?

Mom: Maglinis ka muna ng buong bahay bago ko sabihin..

Me: Opo maglilinis, ano na yung good news?

Mom: Pupunta tayo ng June 13 (first day of class namin) sa Baguio.

Me: Eh may pasok na ko nun eh..

Mom: Sus! Edi umabsent ka! Wala naman kayong gagawin ng first day eh.

Me: ….. (6 units kaya yung aabsenan ko)

Hahaha! Nakakatawa lang kasi yung nanay ko eh, yung ibang magulang galit na galit kapag umaabsent yung anak nila sa school, samantalang yung nanay ko OKAY LANG?? Well hindi yun good news for me, imbis na matuwa ako nag worry lang ako, kasi kahit first day may ginagawa kami eh, di naman na kaya ako high school na kapag first day of class petiks lang.. Bahala na nga.. Ayoko kasi ng napag iiwanan ako sa lesson or what, gusto ko lang palagi akong updated, ayaw ko kasi ng naghahabol.. Tsk! Arrrgh..

Big n’ Tasty

So this was my baby’s treat the last time we’ve dated. Pauwi na ko that time ng bigla niya ko inaya mag Mcdo and to my surprise, he bought me this mouth watering Big ‘n Tasty. At ang masasabi ko lang, super yummmy! Grabe di kayo mag-sisisi, mejo may kamahalan nga lang pero it’s all worth it! Nakakabusog din sobra. You guys must try this one! :)

Ang sweet sweet ng bebi ko, palagi akong binubusog kaya ang taba ko na ngayon :| huhuhu.. It’s so upsetting.. LOL :D Loveyou bebi!! 

A surprise song number

(Me, Faye, Gianelli)

Marlyn Faye’s 18th birthday

October 17, 2010 in Manila Hotel


This is one of the memorable debuts that I’ve attended, kasi surprise song number ‘to, tapos si KC Montero yung host tapos andun ni si Aljur Abrenica, busog na busog yung mata ko nung gabing yan! Haha

Childhood bestfriend ko si Faye, at si cousin Gianelli, kaya naman sobrang willing ako na kumanta para sa big day nya.. Kinanta ko dito yung Terrified ni Katharine McPhee, I know! Haha, di pang debut yung kanta na yun pero kasi wala ko alam na kanta pang debut that time, busy din kasi ako sa school nun and wala na rin time para mag memorize ng new song, pero ang importante naman, nakantahan ko yung special friend ko sa birthday niya



October 17, 2010

Marlyn Faye’s 18th birthday in Manila Hotel


»